Itinatampok Na Mga Recipe
Sisig
Si Sisig ay isang tradisyunal na Kapampangan "pulutan," isang pinggan na napupunta rin sa isang alkohol inumin. Ito vegan bersyon lasa tulad ng orihinal maliban maaari mong gawin ito sa kalahati ng oras. Tuktok na may isang vegan fried itlog para sa isang tunay na karanasan sa sisig.
Cassava Cake
Cassava Cake ay isang klasikong Filipinx disyerto na ginawa mula sa grated cassava. Ang klasikong filipinx na ito ay ang perpektong meryenda o disyerto.
Adobo sa Gata
Adobo na may pineapple ay isa pang masarap na pagkakaiba-iba sa klasikong Filipinx adobo! Gamit ang tempeh cubes, makatas pineapple chunks at isang matamis at maalat na sarsa, ito ay perpekto na may steamed bigas!
Puto Bumbong Rice Cakes
Ang Puto Bumbong ay isang kalye ng Pilipinas na kaugalian na steamed sa bamboo tubes at naglingkod sa panahon ng pista opisyal.

Ginawa ng team na The Food Empowerment Project (kabilang ang dalawang lubos na ipinagmamalaking Pinay!) ang VeganFilipinoFood.com bilang isang paraan para magbahagi ng mga pagkain mula sa Mga Pulo ng Pilipinas sa mga vegan at interesadong maging vegan.

Iniiwasan ng mga vegan ang mga sangkap na mula sa hayop tulad ng "karne," lamang-dagat, mga itlog, dairy, at pulot-pukyutan na lahat ay produkto ng paghihirap at pananamantala. Sa kabutihang-palad, maraming pagkain sa Pilipinas ang may halong malalasang rekado, prutas, at gulay at masasarap din ang mga ito kahit na hindi gumagamit ng mga sangkap na mula sa hayop.
Bago naging kolonyal at nabigyan ng pangalang "Pilipinas" ang kapuluan, ito ay may iba't ibang kultura at wika. Bago ang 300 taong kolonisasyon ng Espanya, pananakop ng Hapon, at (ang nagpapatuloy na) imperyalismong Estados Unidos, nakikipagkalakalan na ang mga mamamayang naninirahan sa mga pulo sa mga mangangalakal mula sa iba't ibang dako ng Asya, at sa mahigit libu-libong taon, ang Pilipinas ay habambuhay nang nagbago dahil sa impluwensya ng dayuhan. Kaya naman naging lubos na matatag at bukas sa pag-angkop ang pagkakakilanlan, tradisyon, at pagkain ng modernong Pilipinx. Lubos na pinapahalagahan ng kulturang Pilipinx ang pag-aalaga sa ating komunidad at sa lupang nagbibigay sa atin ng buhay. Sa pamamagitan ng pagbibigay ng atensyon sa pagkaing Pinxy sa perspektibo ng vegan na pamumuhay, umaasa kaming maipasa sa ika-21 siglo ang mga tradisyon ng pag-unlad, pag-unawa, at paggalang para sa kalikasan.
Ngayon, tikman ang masasarap na bersyon ng ilan sa iyong mga paboritong na pagkaing Pinxy—o subukan ang mga hindi mo pa natitikman!
Salamat sa lahat ng nag-ambag ng mga putahe para sa dako na ito.
Kain na tayo!