Bistek

15-30 minuto
Tagal ng paghahanda

15-20 minuto
Tagal ng pagluluto

2 servings

Paglalarawan

Ang Bistek ay isang klasiko at nakakabusog na pagkaing Pilipino na madaling gawing pagkain na pang-vegan. Ito ay masarap na kombinasyon ng alat, asim, at linamnam na pangkaraniwang ihihahain kasama ang kanin. Para sa Bistek recipe na may alternatibo para sa “Better Chew Vegan Philly Shredded “Steak””, tingnan ang Shiitake Bistek.  

Recipe mula kay @VeganCookingMom 
Larawan mula kay @VeganCookingMom 

Mga Sangkap

  • 1 pakete ng Better Chew’s Vegan Philly Shredded “Steak” (7-ounce ang laki)
  • ½ tasa ng tubig (o sparkling water)
  • ¼ tasa ng toyo (i-adjust sa panlasa depende sa brand ng toyo)
  • 2-3 kutsara (o sa panlasa) citrus juice (lemon/lime/kalamansi)
  • 1 kutsaritang asukal
  • 2 kutsarang mantika
  • 1 katamtamang dilaw o puting sibuyasbinalatan at hiniwa
  • ½ kutsaritang Arrowroot starch powder (pampalapot ng sarsa

Instruksyon

Hakbang 1
  1. Ihalo at i-marinate ang vegan na “baka” sa tubig, toyo, ½ citrus juice, at asukal sa mga 15-30 minuto.

 

Hakbang 2
  1. Initin ang kawali sa katamtamang apoy at magdagdag ng 1 kutsarang mantika. Para suriin kung mainit na ang mantika, maglagay ng barbecue stick. Kung bumula ito, handa na ang mantika.
  2. Alisin ang vegan na “baka” sa marinade at itabi ang sarsa.
  3. Kapag mainit na ang mantika, igisa ang vegan na “baka” hanggang maging pantay na ang pagkakaluto nito.
Hakbang 3
  1. Alisin ang vegan na “baka” sa mantika at itabi.
    Hakbang 4
    1. Magdagdag ng ½ kutsarang mantika sa kawali at idagdag ang hiniwang sibuyas. Igisa ng 2 minuto.
    2. Idagdag sa kawali na may sibuyas ang natitirang sarsa ng marinade. Hayaang kumulo ang sibuyas ng isa o dalawang minuto.
    Hakbang 5
    1. Itabi ang sibuyas na may vegan na “baka.”
    2.  Idagdag ang natitirang citrus juice sa kawali.
    3. Idagdag ang arrowroot powder para lumapot ang sarsa.
    Hakbang 6
    1. Lutuin sa karagdagang 3-5 minuto at patayin ang apoy.
    2.  Ibuhos ang sarsa sa vegan na “baka” at sibuyas. Ihain na may kasamang kanin.
    en_USEnglish