Tungkol sa

Ang Food Empowerment Project (F.E.P), ang organisasyon sa likod ng Vegan Filipino Food, ay itinatag ng isang Chicanx at matagal nang vegan na aktibista na si Lauren Ornelas. Ang F.E.P, na nakakuha ng inspirasyon mula sa Pinay na tauhang miyembrong si Erika Galera at Pinay na boluntaryo na si Eva Marie-Dones Piccininni, ay nagpasyang ilunsad ang veganfilipinofood.com para itampok ang mga pagkain sa Pilipinas na walang sangkap na mula sa hayop at upang maipakitang posibleng kumain nang vegan at makakain pa rin ng mga pagkaing gusto natin.

Bago naging kolonyal at nabigyan ng pangalang "Pilipinas" ang kapuluan, ito ay may iba't ibang kultura at wika. Bago ang 300 taong kolonisasyon ng Espanya, pananakop ng Hapon, at (ang nagpapatuloy na) imperyalismong Estados Unidos, nakikipagkalakalan na ang mga mamamayang naninirahan sa mga pulo sa mga mangangalakal mula sa iba't ibang dako ng Asya, at sa mahigit libu-libong taon, ang Pilipinas ay habambuhay nang nagbago dahil sa impluwensya ng dayuhan. Kaya naman naging lubos na matatag at bukas sa pag-angkop ang pagkakakilanlan, tradisyon, at pagkain ng modernong Pilipinx. Lubos na pinapahalagahan ng kulturang Pilipinx ang pag-aalaga sa ating komunidad at sa lupang nagbibigay sa atin ng buhay. Sa pamamagitan ng pagbibigay ng atensyon sa pagkaing Pinxy sa perspektibo ng vegan na pamumuhay, umaasa kaming maipasa sa ika-21 siglo ang mga tradisyon ng pag-unlad, pag-unawa, at paggalang para sa kalikasan.

Maraming Pilipinx na ang pagkain ay likas na vegan tulad ng lugaw, taho, at turon, habang ang ibang pagkain naman ay madaling gawin na vegan tulad ng lumpia, afritada, at pinakbet. Para sa mga pagkaing maaaring may sangkap na mula sa hayop, naglagay kami ng masasarap na putaheng vegan para makain mo pa rin ang anuman sa iyong mga paboritong pagkain.

Ang mga pagkaing vegan ay walang kasamang sangkap na mula sa hayop tulad ng "karne," lamang-dagat, mga itlog, dairy, at pulot-pukyutan na mga produkto lahat ng paghihirap at pananamantala. May mahabang kasaysayan ng pakikipaglaban ang mga Pinxy para sa katarungan ng mga magsasaka, tulad ng Delano Grape Strike na sinimulan nina Larry Itiliong, Philip Vera Cruz, at ng iba pang Manong. Karamihan sa mga kinakain nating lahat ay inaani ng mga magsasakang karaniwan na naghihirap at hindi itinatrato nang patas, kaya dapat nating kilalanin kung gaano kahalagang suportahan ang mga manggagawang ito sa tuwing may pagkakataon.

Habang nagpapatuloy ang pakikipaglaban para sa katarungan ng magsasaka, nagsisikap ang F.E.P. na isulong at ipaglaban ang mga magsasaka sa pamamagitan ng pagpapalawak sa kaalaman tungkol sa mga kundisyon sa trabaho ng mga blue-collar na manggagawa habang sabay na nakikipagtulungan sa kanila upang maisulong ang kanilang mga karapatan sa pamamagitan ng pagsuporta sa pagbabago sa korporasyon, paggawa ng batas, at pamamahala. Ginawa namin ang veganfilipinofood.com para maging isang user-friendly na mapagkukunan para sa mga vegan at interesadong maging vegan, pati na rin sa komunidad ng Pilipinx at iba pang tao. Umaasa kaming masasabik ang ating mga kababayan na matikman ang mga pamilyar na pagkain mula sa ating lupang tinubuan habang pinapalawak natin ang ating samahan ng pag-unawa at katarungan para maisama ang mga di-pantao na hayop!

Ang Vegan Filipino Food ay isang pagsisikap na resulta ng pakikipagtulungan at gusto naming pasalamatan ang lahat ng nag-ambag: ang mga nagsumite ng mga orihinal na putahe; ang mga sumubok ng mga putahe, at ang mga nagluto, nagbigay ng istilo, at kumuha ng larawan ng bawat pagkain.

Infórmese más sobre Food Empowerment Project

Ang Food Empowerment Project ay isang organisasyon ng hustisya ng Vegan food na naglalayong lumikha ng isang mas makatarungan at napapanatiling mundo sa pamamagitan ng pagkilala sa kapangyarihan ng mga pagpipilian ng pagkain. Hinihikayat namin ang mga malusog na pagpipilian ng pagkain na sumasalamin sa mas mahabagin na lipunan sa pamamagitan ng pag-unawa sa mga hindi makakamtan ng malusog na pagkain sa mga lugar na mababa ang kinikita, hindi makatarungang mga kondisyon sa paggawa para makagawa ng mga manggagawa, pag-ubos ng mga likas na yaman, at pag-abuso sa mga hayop sa mga bukid. Sa paggawa ng mga kapasyahan, maaari nating pigilan ang mga kawalang-katarungan laban sa mga tao, sa kapaligiran, at hayop. Upang matuto nang higit pa tungkol sa F.E.P., aming trabaho, o kung paano pumunta Vegan, pakibisita ang aming website: www.foodispower.org

Food Empowerment Project ay isang organisasyon ng hustisya ng Vegan food at isang rehistradong non-profit 501(c)(3).

English