Pandesal

40 minuto
Tagal ng paghahanda

1 oras 30 minuto
Tagal ng pagluluto

mga 12 roll

Mga Sangkap

  • 2 kutsarang pampaalsa
  • 1 kutsarang asukal
  • 2½ tasa ng maligamgam na tubig
  • 1 tasa ng vegetable oil
  • 1½ tasa ng asukal
  • 1½ kutsaritang asin
  • 7-8 tasa ng harina (all purpose flour)
  • Bread crumbs (Opsyonal)

Recipe ni: Lola Esther Rizarri
Larawan ni: Andy Real & Sierra Barsten

Instruksyon

Hakbang 1

1. Painitin ang oven sa 375°F (191°C) at lagyan ng parchment paper ang baking pan.

Hakbang 2

Paghaluin ang pampaalsa, asukal, 1 tasa ng maligamgam na tubig at hayaang umalsa sa loob ng 10 minuto.

Hakbang 3
  1. Sa hiwalay na bowl, ilagay ang natitirang maligamgam na tubig, vegetable oil, asukal, at asin. Haluin hanggang sa ganap na matunaw ang asukal.
  2. Unti-unting idagdag ang harina gamit ang whisk. Magdagdag ng 2 tasa ng harina para magsimula. Haluin hanggang sa mawala ang mga umbok. Ipagpatuloy ang pagdaragdag ng harina nang paisa-isang tasa, gamit ang kahoy na kutsara.
Hakbang 4
  1. Masahin ang dough sa loob ng mga 10-14 minuto. Kung malagkit, patuloy na magdagdag ng mas maraming harina. Hayaang umalsa ng mga isa’t kalahating oras. 
  2. Kapag umalsa na, suntuk-suntokin ang dough. Hati-hatiin sa maliliit na piraso at buuin sa laki ng Pandesal (mga 4” ang lapad) o sa laking gusto mo. Budboran ng bread crumbs sa ibabaw. 
Hakbang 5

Ilagay ng maayos sa baking pan at i-bake ng 15-20 minuto hanggang sa maging golden brown. 

Hakbang 6

Hayaan sa labas ng oven ang Pandesal ng 5 minuto bago ihain.

en_USEnglish